Posted in Libro Ni Bob Ong, Uncategorized

Huwag Mong Basahin

Bagot na bagot na ako. Nabasa ko na yata lahat ng libro ni Bob Ong sa loob ng dalawang oras. At dahil wala na akong magawa, bubulabugin ko ang hapon ninyo (kung may nagbabasa man).

Wala akong kasama dito sa bahay ngayon bukod sa kaunting mini-ipis na naglalakad palapit sa akin. Noong una, takot na takot ako kahit mukhang harmless sila tulad ng asukal. Pero, nasanay na rin ako. Kung dati, tatakbo pa ako at magpa-panic na hahanap ng pamalo. Ngayon, kaswal ko na lang dadamputin kahit phone ko para ipang-hampas lang sa kanila.

Sarili ko lang naman ang nagtulak sakin na gumawa ng blog. Walang suporta ng kahit sino. Minsan kasi, sa sobrang genius ko, gusto ko ng may kausap kahit isang blangkong document lang sa WordPress. Kahit kasinungalingan lang na genius ako. Pagbigyan nyo na.

Gusto ko lang naman mailabas ng kaunti yung sinsabi ng maliit kong utak. Kahit walang sense. Kahit ako nababagot sa mga pinagsasasabi ko. Pero, na-inspire ako sa libro ni Bob Ong. Yung Stainless Longganisa? Kahit kaunti lang naintindihan ko at naghahanap lang ako ng punchline.

Una kong nabasa yung Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? ni Bob Ong at lagi akong bumubulanghit sa tawa sa mga punchlines. Bata pa ako nun. College yata? Tawa lang ako ng tawa. Bumili pa ako ng sarili kong kopya. Pero dahil sa pagpapahiram, nawala bigla yung libro. Ang sabi nung nakawala, papalitan na raw nya. Ayun, apat na anak nya, wala pa rin yung kapalit na libro.

Going back, na-discover ko na sobrang babaw lang ng pag-iisip ko noon. Nung bumili ulit ako ng kopya at binasa ko ulit sya, tungkol pala yun sa ating mga kahinaan bilang Pilipino. Gusto kong umiyak dun sa parang “reviews” sa atin ng mga foreigner pati kapwa natin Pilipino. The truth hurts.

Pero ang pinaka panalo sa aking libro ay yung Ang Paboritong Libro Ni Hudas. Akalain mong kanina ko lang na-discover na yung pangalan ng bawat chapter ay anagram ng Seven Deadly Sins? Galing! *clapping*

Natutuwa ako sa mga libro ni Bob Ong. Hindi dahil sa nakukuha nya ang kiliti ko bilang isang mambabasa, pero dahil na rin sa mapupulot na mga aral. Tulad na lang ng MacArthur. Kung tutuusin, tragic yung story pero maganda. Nakakatuwa. Nasabi nya in the longest possible way na masama ang droga sa atin pero in a very different and enlightening way. Naks!

Ang cute din ng pagkakagawa nya sa Kapitan Sino at Lumayo Ka Nga Sa Akin. Kumbaga sa pelikula, walang patay na oras. May pagka-creepy naman yung Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Kahit ako kinilabutan dun sa huling part. Sa susunod na sweldo, yung Si naman bibilhin ko. Astig daw sabi ng kapatid ko eh.

***

Dear Bob Ong,

Penge naman ako ng autograph!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s