Posted in Libro Ni Bob Ong, Uncategorized

Huwag Mong Basahin

Bagot na bagot na ako. Nabasa ko na yata lahat ng libro ni Bob Ong sa loob ng dalawang oras. At dahil wala na akong magawa, bubulabugin ko ang hapon ninyo (kung may nagbabasa man).

Wala akong kasama dito sa bahay ngayon bukod sa kaunting mini-ipis na naglalakad palapit sa akin. Noong una, takot na takot ako kahit mukhang harmless sila tulad ng asukal. Pero, nasanay na rin ako. Kung dati, tatakbo pa ako at magpa-panic na hahanap ng pamalo. Ngayon, kaswal ko na lang dadamputin kahit phone ko para ipang-hampas lang sa kanila.

Sarili ko lang naman ang nagtulak sakin na gumawa ng blog. Walang suporta ng kahit sino. Minsan kasi, sa sobrang genius ko, gusto ko ng may kausap kahit isang blangkong document lang sa WordPress. Kahit kasinungalingan lang na genius ako. Pagbigyan nyo na.

Gusto ko lang naman mailabas ng kaunti yung sinsabi ng maliit kong utak. Kahit walang sense. Kahit ako nababagot sa mga pinagsasasabi ko. Pero, na-inspire ako sa libro ni Bob Ong. Yung Stainless Longganisa? Kahit kaunti lang naintindihan ko at naghahanap lang ako ng punchline.

Una kong nabasa yung Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? ni Bob Ong at lagi akong bumubulanghit sa tawa sa mga punchlines. Bata pa ako nun. College yata? Tawa lang ako ng tawa. Bumili pa ako ng sarili kong kopya. Pero dahil sa pagpapahiram, nawala bigla yung libro. Ang sabi nung nakawala, papalitan na raw nya. Ayun, apat na anak nya, wala pa rin yung kapalit na libro.

Going back, na-discover ko na sobrang babaw lang ng pag-iisip ko noon. Nung bumili ulit ako ng kopya at binasa ko ulit sya, tungkol pala yun sa ating mga kahinaan bilang Pilipino. Gusto kong umiyak dun sa parang “reviews” sa atin ng mga foreigner pati kapwa natin Pilipino. The truth hurts.

Pero ang pinaka panalo sa aking libro ay yung Ang Paboritong Libro Ni Hudas. Akalain mong kanina ko lang na-discover na yung pangalan ng bawat chapter ay anagram ng Seven Deadly Sins? Galing! *clapping*

Natutuwa ako sa mga libro ni Bob Ong. Hindi dahil sa nakukuha nya ang kiliti ko bilang isang mambabasa, pero dahil na rin sa mapupulot na mga aral. Tulad na lang ng MacArthur. Kung tutuusin, tragic yung story pero maganda. Nakakatuwa. Nasabi nya in the longest possible way na masama ang droga sa atin pero in a very different and enlightening way. Naks!

Ang cute din ng pagkakagawa nya sa Kapitan Sino at Lumayo Ka Nga Sa Akin. Kumbaga sa pelikula, walang patay na oras. May pagka-creepy naman yung Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Kahit ako kinilabutan dun sa huling part. Sa susunod na sweldo, yung Si naman bibilhin ko. Astig daw sabi ng kapatid ko eh.

***

Dear Bob Ong,

Penge naman ako ng autograph!

 

 

Posted in Martial Law, Uncategorized

Usapan Sa Banyo

Dapat may iba akong ipo-post pero dahil nagkausap kami sa banyo (don’t judge) ito na muna ipo-post ko.

Oo nga pala. Salamat sa views. Kahit alam ko na dumugo mga mata nyo. Sorry talaga.

Kanina, tinanong ako ng partner ko kung ano yung common denominator ng mga survivors ng Martial Law kung bakit ayaw nila si BBM. (Nag-fluctuate yung ilaw. Katatapos ko pa naman magbasa ng ghost stories. Kinabahan ako bigla.) Hindi ko rin naman alam kasi.

Ipinanganak kasi ako na tapos na ang Martial Law at kasikatan na ni Snooky Serna. Ang naabutan kong presidente si FVR. Akala ko nga lagi syang may subong malaking Tootsie Roll, tabako pala. Ang iminulat sa akin, maraming namatay nung panahon ni Marcos, maraming sapatos si Imelda, bawal basta-basta magsalita ng kahit anong masama tungkol sa administrasyon. Naalala ko pa nga noon, may isa akong libro na may drawing ng isang lalaking una sa pila at may hawak na malaking lata. Bigas ata yung pinipilahan nya tapos may nakalagay: Dalawang piso isang salop.

Pinaniwala ako ng school namin noon na diktador si Marcos at magnanakaw. Walang naidulot na mabuti sa Pilipinas kaya mahirap kami. Pero ngayon, hindi ko na alam. Ayokong i-Google dahil malamang hindi lahat ng impormasyon andun.

Ngayon ko rin napagtanto na ang gobyerno natin ay mas maraming itinatago sa atin. Kumbaga, secrets within secrets. Yung feeling ko parang tip of the iceberg lang yung pinaaalam sa atin?

I-comment nyo naman yung opinions nyo, please. Nagmamakaawa ako. Hindi dahil sa gusto kong sumikat. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga. Pero, please. Walang mag-aaway.

Please answer any of the following questions:

Totoo bang hirap ang mga Pilipino nung Martial Law?

Bakit ayaw ng mga milenials kay BBM?

Ano ang ipinaglalaban ng mga anti-Marcos?

Anong naging karanasan nyo nung Martial Law?

Masarap ba talaga ang nutri bun?

Ilan ang sapatos ni Imelda?

Ano ang salop?

Promise, gusto ko lang talaga malaman. Maghihintay ako sa sagot nyo kahit ilang buwan pa yan.

Posted in Duterte, Uncategorized

Ako, Si Duterte at Ako Pa Rin

Malamang hindi ninyo ako kilala pero isa ako sa mga Pilipinong bumoto at nagtiwala kay Digong.

Malamang din walang magbabasa ng blog ko. Isa ako sa mga taong maraming iniisip na may sense (ahem) pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Pero susubukan kong ilabas lahat ng nasa utak ko (kung meron man) maipahayag lang ang aking nararamdaman.

Katatapos lang ng eleksyon at confirmed na na si Mayor Digong ang bago nating Presidente. Nakatutuwang isipin na yung mga supporters niya ang nagsisimula. Nagsi-circulate na sa Facebook yung mga simpleng batas/ordinansa na maaaring ipatupad in the near future tulad ng no smoking in public areas, curfew,( li..liquior…ah letse!) likor ban, Noise Regulation Law at kung anu-ano pa. Kahit ako mismo na madalas tumawid sa No Jaywalking area natututo nang gumamit ng pedestrian lane, maisip ko lang na si Mayor na presidente natin. Hindi ko alam kung ganito rin yung ibang Duterte supporters pero feeling ko, MALAMANG.

Speaking of supporters, mukhang mainit ang labanan ng mga supporters ni BBM at Leni. Wala akong pakialam kasi kahit isa sa kanila hindi ko binoto. Pero, pagbukas ko lagi ng Facebook, bangayan ng magkakaibigan ang una kong makikita. Nandaya daw si Leni, ambisyoso si BBM. Kahit mga artista away-away na rin. May nagsasabing: “A Marcos will always be a Marcos” sabay may sasagot: “A gay will always be a gay”. Meron namang nagsabing bobo si Leni, sabay may nagtanong kung alam daw ba nya na dating bold star yung nanay nya. Toxic. Wala na ang ligaya na nararamdaman ko kapag mag-o-open ako ng Facebook (Tasty background music playing sabay may magsasabi: Oh, yes!).

Sorry na-off topic. Mabalik tayo kay Mayor. Nababalitaan ko yung Plan B na yan ng LP, pero hindi ko alam kung totoo o parang Hiraya Manawari — kathang isip lang. Pero posible. Ang sa akin lang naman, kung talagang nagtitiwala tayo kay Mayor Digong, kahit anong gawin ng LP o kung sino mang panot dyan (oooooppppsss…!) tayo mismo ang lalaban para kay Mayor. Lalo na kung alam natin sa puso natin na black propaganda yan ng Hepa Gang. (Nakatingin sa phone na nagto-torrent ng London Has Fallen. Syet tumigil! Wala na ata akong peers pati seeders.)

Going back, kung talagang nandaya si Leni o ang Hepa Gang para makapasok sa administrasyon, maghanap na ng ebidensya. Huwag mong sirain ang pagkakaibigan nyo para sa taong di naman alam na nag-e-exist ka. Oo, posibleng may maikaso sila Boom Panot kay Mayor Digong. Kasi hindi naman siya perpekto di ba? Nasa satin na yan kung magpapadala tayo sa pagbe-brainwash o we will stand together and say NEVER AGAIN. (Hindi na talaga umaandar yung torrent.)

Ipasok nyo si Leni kung siya talaga ang nanalo tulad ng pagpasok kay Dick. Kung ayaw nyong may bahid ng Hepa Gang ang administrasyon, hayaan nyo silang lamunin ng mga taong naniniwala sa pagbabago. Gawin natin ang ating makakaya upang mangyari ang nais nating mangyaring pagbabago sa Pilipinas. Tulungan natin si Mayor Digong na tanggalin ang mga taong hindi karapat dapat magpakasasa sa ating mga buwis. Tulungan natin ang ating mga sarili na magbago at maging disiplinado. Hindi por que iba and binoto mo, hindi ka na kasama dito. Walang exempted parang exam ko sa Algebra nung college. Kailangan na nating gumalaw bilang isang Pilipinas at hindi base kung saan ka nakatira at kung saan ka lumaki. Dahil sa bandang huli, AKO ang nagtiwala kay DUTERTE at AKO PA RIN ang pagmumulan ng pagbabago (Yesterday’s Dream playing in the background).