Posted in Duterte

Ang Pantasya kong si Digong

Hindi ko rin matiis. Kailangan kong i-post.

Nagulat ako kaninang umaga nang makita kong may nag-share ng blog ko. Meron rin naman palang interesado kahit papaano. Nag-hashtag pa sya ng #YesteraysDream. Salamat.

Sinubukan kong i-Google yung blog ko. Di ko makita. Ok lang naman, no big deal (crying inside).

Mabalik tayo ‘no? Isa sa mga gusto kong mangyari ay ang mapunta si Sen. MDS sa gabinete. Or better yet, maging Presidential Advisor ni Mayor Digong. Kung pwede lang nga na si Sen. MDS and maging Vice President mas maganda (no offense po sa supporters ni Sen. MDS)!

Isipin ko pa lang na si Mayor Digong and Sen. MDS ang mga mamumuno sa atin mukhang masaya na. Dalawang kamay na bakal. Dalawang taong may paninindigan. Dalawang taong may prinsipyo at pagmamalasakit sa kapwa nila Pilipino.

Pero, habang nasa byahe ako kanina, nakita ko yung mga sidewalk vendors. Iniisip din kaya sila ni Mayor Digong? Hindi ko mapigilang magpantasya. Naisip kong ipagbabawal ang pagyoyosi sa public areas pero, yung mga vendors, bibigyan ng libreng pwesto sa MRT kung saan pwede silang magbenta ng mga pagkain at inumin para sa mga byahero. Isa sa mga kondisyon ng libreng pwesto ay bawal magkalat. Kapag nahuli ng tatlong beses, tanggal sa pwesto. Ok di ba?

Isa sa mga pantasya ko yung ido-donate nya yung kalahati ng sweldo nya kada buwan sa mga taong gustong magbagong buhay particularly sa mga drug pushers pati na rin sa mga palaboy. O kaya naman tanggalin nya yung provincial rate sa mga sweldo para umuwi na sa mga pamilya nila yung dumayo dito sa Maynila para makipagsapalaran. Pantay na oportunidad para sa nasa lungsod at probinsya. Tapos, bibili si Mayor ng isang malaking kalupaan. Patatayuan ng libreng pabahay para sa mga nakatira sa iskwater. Yung ayaw lumipat sa mas maayos na lugar, (kasi minsan may mga taong choosy) huwag payagan na magtayo na naman ng panibagong bahay at mag-iskwater. Simple sa paningin ko pero simula na ito ng pag-ahon ng mga kapwa ko Pilipinong lugmok sa kahirapan at lupit ng ipokritong pamahalaan.

Maiba naman tayo. Ang dami kong nakikitang mga supporters ng LP na ayaw na ayaw kay Mayor Digong. Kesyo yung curfew daw simula na nag Martial Law, threat daw sa demokrasya natin yun. Hindi naman Martial Law tingin ko dun. Di ba’t disiplina yun? Sobrang advanced ng utak nila di mo na alam kung delusional na sila. Hindi ko alam kung anong kinatatakot nila sa disiplina.

Pero naisip ko, malamang dahil na rin yun sa mga naranasan nila nung Martial Law. Pero hindi eh. Ano ikinatatakot nila kay Mayor? Honestly ako takot din. Pero yung takot ko ay yung parang takot ko sa isang tatay. Alam mo yun? Yung takot ka mapagalitan kapag gumawa ka ng mali. Yung ganung takot. Takot na may pagmamahal. Hindi yung takot na nakakapraning.

***

Nagkekwento yung katrabaho ko. Tinanong kung pasukan na raw ba ng highschool. Sabi ko hindi pa, sa June 13 pa. May nakita daw kasi syang mya highschool students na nagbi-videoke, kina-career yung pagkanta ng Flashlight. Tsk. Mga kabataang naisahan ang magulang.

Ang tatapang na ng mga kabataan ngayon no? Palibhasa kasi kakampi si Kiko Pangilinan. Palibhasa alam nila na hindi sila pwedeng galawin ng otoridad kaya malalakas ang loob. To the point na sila mismo wala nang respeto sa mga pulis at sa nakatatanda. Mga lumaki na ang ulo.

Kiko, hindi lahat ng bata puro pagmamahal ang kailangan. Kailangan din silang maturuan ng disiplina at maisaksak sa mga kukote nila na ibligasyon nilang maging responsable. Kung ang isang menor ay makukulong dahil nakapatay sya, hayaan nyo syang makulong. Dahil kapag pinalaya nyo, malamang papatay pa rin yan. Kapag nalaman ng ibang kabataan na wala na ang batas na magtatanggol sa kanila at walang magagawa ang kanilang mga magulang para mailigtas sila, tignan mo. Sila na mismo ang titino.

Yun lang naman.